^

Metro

Binata hinoldap na, pinatay pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Binata hinoldap na, pinatay pa
Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Maliglig Lopez, 41, binata, checker ng Zenco Sales Inc., at residente ng Brgy. Baesa, QC.
Miguel de Guzman/File

Pinag-withdraw ng ina

MANILA, Philippines – Patay ang isang checker matapos na barilin ng mga holdaper at tangayin pa ang perang winithdraw sa ATM na pambili ng handa ng kanyang ina na magbi-birthday sa Que­zon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Maliglig Lopez,  41, binata, checker ng Zenco Sales Inc., at residente ng Brgy. Baesa, QC.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng umaga sa harap ng isang banko sa Quirino Hi-way, Brgy. Baesa, ng nasabing lungsod.

Inutusan umano ang biktima ng kanyang ina na i-withdraw sa ATM ang kanyang pension para  gamitin na panghanda sa kanyang kaarawan.

Nang maka-withdraw na ang biktima at pauwi na ito ay bigla itong hinarang ng dalawang riding in tandem na suspects  at agad siyang tinutukan ng baril ng rider  at nagpahayag ng holdap.

Nagtangkang tumakbo ang biktima subalit mabilis na bumaba ang isa sa mga holdaper hanggang magpambuno ang dalawa.

Dito ay bumunot na ng baril ang holdaper at binaril ang biktima saka nilimas ang nasabing halaga at agad na tumakas.

Isinugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital  subalit idineklara itong dead-on-arrival dakong alas-6:45 ng umaga.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with