34 Pinay workers biktima ng illegal recruitment, pinigil sa NAIA
MANILA, Philippines – Pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang sinasabing 34 Pinay household service workers na umano’y biktima ng illegal recruitment papuntang Saudi Arabia sa iba’t ibang terminal sa Ninoy Aquino International Airport.
Karamihan sa mga hinarang na Pinay workers ay nasa edad 20-anyos lamang at sa pinaiiral na batas ng DOLE dapat ang isang worker na mamamasukan abroad ay may edad 23-anyos.
Ang mga pinigilan na biktima ng illegal recruitment ay hindi sabay-sabay na aalis sa bansa kundi may iba’t ibang petsa sila na paglipad.
Nabuko sila ng mga immigration officers dahil hindi kumpleto ang kanilang mga dokumento kaya isinailalim ang mga ito sa secondary inspection sa BI-TCEU.
Ang mga workers ay inilipat sa IACT para sa isang masusing imbestigasyon.
- Latest