^

Metro

4 na kabataan, huli sa bultu-bultong marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumagapak sa bilangguan ang apat na kabataang lalaki makaraang makorner ng mga pulis sa ipinain na entrapment operation dahil sa pagbebenta ng bultu-bultong marijuana sa mga lungsod ng Taguig at Caloocan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Taguig City Police, kinilala ang mga naaresto na tatlong estudyante na sina Lance Gabriel Visco, 20; Jessie Jay Pullente, 19, at France Junnifer Monta, 19.

Nabatid na alas-8 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa may Sampaloc Street sa Brgy. Central Signal.  Tuluyang nalambat ang tatlong estudyante nang maisakatuparan ang pagbenta nila ng marijuana sa poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong ziplock plastic sachet na may lamang 100 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P12,000.  Nakumpiska rin ng mga pulis ang isang Hyundai Getz na kotse na gamit nila sa ilegal na negosyo.

Alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang maaresto naman ng Northern Police District- Drug Enforcement Unit ang 20-anyos na si Jayson Samson sa isa pang buy-bust operation sa kanto ng Masagana Street at Samson Road sa Brgy. 73 sa Caloocan City.

Nasa 500 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000 ang narekober sa suspek.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with