^

Metro

Holdaper kumasa sa parak, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Holdaper kumasa sa parak, todas
Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Ruvivar, 26, ng Sapocoy Street, Brgy. Manresa, Quezon City.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang kilabot na holdaper makaraang kumasa sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Brgy. Manresa, Que­zon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Ruvivar, 26, ng  Sapocoy Street, Brgy. Manresa, Quezon City.

Si Ruvivar ay natukoy na responsable sa dalawang insidente ng robbery with homicide na naganap noong November 7, 2019 sa tapat ng  Robton Industry Inc. at sa Apacible St. corner J Aquino St. Brgy. Bali­ngasa noong October 30, 2019.

Ilang testigo ang nagtungo sa Quezon City Police District at nagbigay ng description at nagturo sa hide-out ng suspek.

Dakong alas-8:30 ng gabi ay nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng QCPD-CIDU laban kay Ruvivar sa Sapocoy Street, Brgy. Manresa.

Habang paparating ang mga pulis ay agad na pinaputukan ng suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta para tamaan ng bala sa katawan ang huli at naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang isang .38 Smith and Wesson na baril na may tatlong bala.

Ang security guard ng hospital na si Vincent De Villa ay nag-turned-over naman sa police investigators ng isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng droga at P900 na nakuha sa pantalon ng suspek.

vuukle comment

HOLDAPER

MARK ANTHONY RUVIVAR

SAPOCOY STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with