^

Metro

4 miyembro ng Panday Sining arestado sa vandalism

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang sampahan ng Manila Police District ng iba’t ibang kaso ang apat na miyembro ng Panday Sining kasama ang isang menor-de-edad matapos mag-vandalize sa isang plaza sa Maynila nitong nagdaang araw ng paggunita ng ika-156 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Nakilala ang mga dinakip na sina  Jeanne Vaughn Nico Quijano, 24; Joven Francis Laura, 24, post graduate student ng Dela Salle  University; Mijhail Collado, 18, binata, 4th year College Student ng St. Benilde at isang menor-de-edad na pawang nakatira sa #864 Tres Marias St., Blumentritt, Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment and Investigation Section  (MPD-GAIS), alas-5:30 kama­kalawa nang arestuhin ang apat  sa kahabaan ng Plaza del Carmen  St., sa harapan ng San Sebastian St. sa Maynila.

Nahuli ang mga ito ng mga tauhan ng District Intelligence Division ng MPD habang nasa aktong nagba-vandal sa poste ng LRT-2 sa kahabaan ng Recto Ave. at nang sila ay huhulihin ng mga operatiba ay nanlaban ang mga ito at itinulak pa ang mga operatiba kaya sila ay dinala sa MPD-GAIS upang maimbestigahan.

Mahaharap sa kasong Malicious Mischief, R.O. 797 (Resisting Arrest) & R.O. 1600 (Interferring Police Duties) ang mga naaresto.

vuukle comment

COLLEGE STUDENT NG ST. BENILDE

JEANNE VAUGHN NICO QUIJANO

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with