^

Metro

Krisis sa tubig sa 2020 posible

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Krisis sa tubig sa 2020 posible
Kahapon, inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority, National Water Resource Board at Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang “Oplan Tubig Para sa Kinabukasan campaign” na layong hikayatin ang lahat ng tahanan na gumawa ng mga pamamaraan para tipirin ang kanilang konsumo ng tubig.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon muli ng krisis sa tubig sa darating na taong 2020 dahil sa nararanasang mababang antas ng tubig sa Angat Dam na pinalala pa ng hindi pagtama ng mga ulan dahilan para manawagan ang mga water stakeholders sa publiko na ngayon pa lang ay umpisahan nang magtipid sa paggamit nito.

Kahapon, inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority, National Water Resource Board at Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang “Oplan Tubig Para sa Kinabukasan campaign” na layong hikayatin ang lahat ng tahanan na gumawa ng mga pamamaraan para tipirin ang kanilang konsumo ng tubig.

Paliwanag ni NWRB head Dr. Sevillo David Jr., kasalukuyang nasa 188.6 metro pa lamang ang antas ng tubig sa Angat Dam na malayo sa pangangailangan na 212 metro.  Kung walang papatak na ulan sa dam ngayong Disyembre, posibleng umabot lang sa 190 metro ang magiging antas ng tubig na hindi makakayanan ang pangangailangan ng Metro Manila at mga kanugnog na probinsya ng Rizal at Cavite lalo na pagsapit ng tag-araw.

Dahil dito, sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na kinakailangan ang ibayong kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan na kaanib ng Metro Manila Council at ng publiko para sa pagpapalaganap ng kampanya sa pagtiti­pid ng tubig.

Kailangan umanong “Makibalita” ng publiko sa lahat ng programa ukol sa tubig at puntahan ang Facebook page ng kampanya na “Oplan Tubig Para sa Kinabukasan”, “Maghanda” sa pamamagitan ng aksyon sa pagtitipid at “Magkaisa” para maipalaganap ang adbokasiya.

vuukle comment

ANGAT DAM

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with