Rotary governor, arestado sa P90 milyon estafa
MANILA, Philippines — Sa detention cell ng Las Piñas City Police ang bagsak ng isang negosyante at dating Manila Disaster Management Risk Czar at opisyal ng Rotary Club International makaraang maaresto ng mga pulis sa isang five-star hotel dahil sa kasong estafa kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Kinilala ni P/Colonel Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police ang nadakip na si Johnny Gaw Yu, 48, ng Quezon City.
Ayon kay Lagundi, dakong alas-5:40 ng hapon nang madakip nila si Yu sa isang five-star hotel sa Pasay
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Madonna G. Echiverri, ng Branch-81, Quezon City, dahil sa kasong estafa.
Nabatid na si Yu ay dating hepe ng Manila Disaster Management Risk at kasalukuyan itong acting governor ng Rotary Philippines.
Base sa rekord ay sinampahan ito ng kasong estafa matapos itong mag-isyu ng bounching check na may petsang Disyembre 22, 2016 na may halagang P90 milyon. Bukod pa rito, sinampahan din ng kaso si Yu ng pamemeke ng dokumento o falsification of documents at inisyuhan din ito ng warrant of arrest ng Manila Metropolitan Trail Court ng branch 27 ng kasong criminal.
Dahil sa dalawang kasong kinakaharap nito ay walang inirekomendang piyansa ang korte laban kay Yu.
- Latest