^

Metro

Social services, higit pang palalakasin sa Quezon City - Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Social services, higit pang palalakasin sa Quezon City - Mayor Joy Belmonte
Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang P27.8 bilyong budget para sa susunod na taon o may 23 percent na mas mataas sa P21.5 bilyong budget ngayong 2019.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na higit pang mapapalakas ng lokal na pamahalaan ang pagkakaloob ng social services sa mga taga-lungsod partikular ang mahihirap.

Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang P27.8 bilyong budget para sa susunod na taon o may 23 percent na mas mataas sa P21.5 bilyong budget ngayong 2019.

Sa naturang budget, ang social services ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng pondo na may P12.3 bilyon o 44 percent ng kabuuang  budget sa 2020. 

Ngayong 2019, may kabuuang P8.4-billion lamang ang budget ng lokal na pamahalaan para sa  social services.

Bunga nito, sinabi ni Mayor Belmonte na sa pamamagitan ng nailaang mas mataas na budget sa social services, higit pang mapapalakas ang pagkakaloob ng mas de-kalidad na mga programang magbibigay ng tunay na serbisyo partikular ang programang pang-edukasyon  at health care.

Anya, isa ang hakbang na ito upang higit na mabigyang daan ng pamunuan ang pagpapabuti sa kapakanan at kabuhayan ng mga taga QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with