^

Metro

6 Chinese, 1 Pinoy timbog sa kidnapping

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 Chinese, 1 Pinoy timbog sa kidnapping
Prinisinta ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nadakip na dalawang Chinese at pitong Pinoy na naaktuhang nagtatapon ng hazardous waste sa Zambales kamakailan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Anim mga Chinese at isang Pinoy na dawit sa kidnap  ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG)  sa isinagawang magkakahiwalay  na operasyon sa Laguna at lungsod ng Parañaque, ayon sa opisyal kahapon.

 Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG ) Spokesperson  Lt. Colonel Joel Saliba ang mga nasakoteng suspect na sina Chen Kai En, Wang Jian Xiong, Mei Lin ; pawang mga Chinese national at ang Pinoy na si  Ariel Carmona.

Ayon kay Saliba ang mga  suspect ay inaresto dahilan sa pagdukot sa dalawang Chinese na sina Li Fei Yu at Long Yong Lin; pawang mga empleyado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang mga nasagip na biktima ay dumating  sa bansa noong Nobyembre 13 na nagtrabaho bilang mga computer technicians sa isang kompanya na pag-aari ni Chan.

Sina Yu at Lin ay sinaktan ng mga kidnappers  at pinahingi ang mga ito ng perang pang-ransom sa kanilang mga pamilya sa China kapalit ng kanilang kalayaan dahilan ang perang ginastos ng mga ito para makarating sa Pilipinas ay sinagot umano ng kompanya.

Nagdesisyon ang dalawa  na bumalik na sa kanilang bansa bunsod upang dukutin umano at hindi palabasin ang mga ito ni Chen sa kuwartong pinagkulungan sa kanila.

Sa followup operation noong Linggo, sumunod namang nasakote ang mga suspect na sina Gong Xiong, Wang Weibin at Wang Qing Bong sa pagkidnap at pagkukulong kay  Sha Shuo, 31 sa lungsod ng Parañaque.

Nabatid na si Shuo ay manager sa Mandarin Customer Service Company sa loob ng dalawang taon.

vuukle comment

KIDNAP

LT. COLONEL JOEL SALIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with