^

Metro

Under protest na ballot boxes sa Taguig , ‘nawawala’ ?

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Under protest na ballot boxes sa Taguig , �nawawala� ?
Ayon kay Atty. Maria Bernadette Sardillo, legal counsel ni Cerafica, nagpalabas na ng Precautionary Protection Order ang Comelec at inaatasan ang Taguig election officer na siguruhin ang integridad ng mga ballot box na nasa ilalim ng ‘safekeeping’ ni City Treasurer Atty J. Voltaire l. Enriquez.
Comelec Fb Page

MANILA, Philippines —Naghain kamakalawa sa Commission on Election (Comelec) Second Division ng Manifestation of Grave Concern ang kampo ni dating 1st. Dist. Taguig City-Pateros Rep. Arnel M. Cerafica na siyang nakatunggali ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa city mayoralty post matapos umanong ‘mawala’ sa Taguig City Hall Auditorium ang mga ballot box na ipinoprotesta.

Ayon kay Atty. Maria Bernadette Sardillo,  legal counsel ni  Cerafica, nagpalabas na ng Precautionary Protection Order ang Comelec at inaatasan ang Taguig election officer na siguruhin ang integridad ng mga ballot box na nasa ilalim ng ‘safekeeping’ ni City Treasurer Atty J. Voltaire l. Enriquez.

Bagama’t walang kaukulang kautusan mula sa Comelec at walang abiso sa kampo ng nagpoprotesta, noong Nob­yembre 20 ay kinuha sa city auditorium ang mga balota at inilipat umano sa isang storage facility sa Brgy. Bagumbayan, Taguig.

Base sa dokumentong nakalap ni Atty. Sardillo, may mga sulat ang Taguig Treasurer’s Office  kay Taguig Election Officer, Atty. Edgar Feliciano D. Aringay, na may mga petsang Nov. 12, 14 at 19, para ipabatid lamang sa huli ang gagawing paglilipat sa ballot boxes.

Taliwas dito, ang pagkuha at paglilipat ng mga ballot boxes na bahagi ng election protest ay maaari lamang desisyunan ng mga opisyal ng COMELEC main office.

“Hindi naimpormahan nina Enriquez at Aringay ang COMELEC main office pati na ang kampo nina Cerafica ukol sa paglilipat ng mga ballot boxes. Ang masama pa nito, nanahimik ang tanggapan ng Election Officer ng Taguig ukol sa paglilipat na ipinatupad ng Treasurer’s Office,” ani Atty. Sardillo.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga residente ng Taguig sa tahasang pambabalewala sa batas nina Cayetano. Nangyari ang ‘pagkawala’ sa ballot boxes matapos ang isinagawang revision, recount at re-appreciation ng mga balota sa 93 pilot clustered precints kung saan lumutang ang ilang anomalya at iregularidad na naganap  sa nakaraang 2019 election.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with