^

Metro

‘Missing’ na kabataang lalaki sa Pasay, sunud-sunod

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Missing� na kabataang lalaki sa Pasay, sunud-sunod
Dahil dito, ipinag-utos ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kay City Police Chief, P/Col Bernard Yang na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon sa hindi pa berepikadong ulat na kumakalat sa social media.
Freeman

MANILA, Philippines — Binabalot nang pagkabahala ngayon ang mga residente ng Pasay City sa umano’y sunud-sunod na pagkawala ng ilang kabataang lalaki kasunod ang balitang pagdukot ng mga taong nakasakay sa puting van.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kay City Police Chief, P/Col Bernard Yang na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon sa hindi pa berepikadong ulat na kumakalat sa social media.

Naka-post sa Facebook group page na “Pasay Politics” ang sinasabing pagkawala ng apat na kabataang lalaki na mula sa Brgy. 14 Zone 1 mula pa noong nakaraang linggo. Isa sa panawagan dito ay nagsabi na isa sa mga tinedyer ay dinukot ng mga malalaking tao na nakasakay sa isang van.

Nanawagan naman ang alkalde sa mga kaanak o kaibigan ng mga nawawalang kabataan makipag-ugnayan mula sa Pasay City Police bago mag-post sa social media para pormal na maimbestigahan ang sinasabing mga insidente.

Tiniyak ni Yang na gagawin nilang prayoridad ang imbestigasyon sa naturang mga ulat na uumpisahan nila sa pagkalap ng detalye sa mga kaanak ng mga sinasabing biktima.

vuukle comment

MISSING

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with