^

Metro

VP Robredo nais gayahin ang anti-drug drive ng Quezon City

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon
VP Robredo nais gayahin ang anti-drug drive ng Quezon City
Kinilala ni Robredo, na kamakailan lamang ay itinalagang drug czar, ang ‘very dramatic transformation’ ng Salaam Compound sa Barangay Culiat.
KJ Rosales/FIle

Epektibo raw kasi

MANILA, Philippines — Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang anti-drug drive ng Quezon City kasunod sa kanyang pagbisita sa Salaam Compound, na minsan nang kinonsi­derang kilabot na lugar sa illegal drugs kamakalawa.

Kinilala ni Robredo, na kamakailan lamang ay itinalagang drug czar, ang ‘very dramatic transformation’ ng Salaam Compound sa Barangay Culiat.

Binigyang diin ng bise presidente, na naipakita at naipamalas ng pamahalaang lungsod ang kanilang magagawa sa anumang uri ng sitwasyon sa barangay na walang naitalang casualties.

Dahil dito, sinabi ni Robredo na pag-aaralan niya ang naging tagum­pay sa paglilinis sa Culiat laban sa droga. Gagawin umano niya itong mo­delo sa mga barangay na may katulad ding problema o sitwasyon.

Idinagdag nito na ang Quezon City government ay kasalukuyang nagpapatupad ng central data base na nagpo-profile sa libu-libong mga surrenderees para palakasin ang anti-drug drive ng lungsod.

Ibinalita pa ni Robredo na ayon sa mga local officials, walang naitalang nasawi sa drug campaign dahil na rin sa regular na komunikasyon sa mga pribadong sektor, simbahan, police at local government unit.

“Ito yung sinasabi natin, na ang laban sa ilegal na droga ay hindi lamang laban ng mga pulis at gobyerno kundi ng buong komunidad”, dagdag pa nito.

 

vuukle comment

ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with