^

Metro

Quezon City fire: 90 pamilya naapektuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang masunog ang nasa 40 bahay sa Brgy. Tatalon, Quezon City kahapon ng tanghali.

 Sa ulat ng Quezon City Fire Station, dakong alas-11:39 ng tanghali ng magsimula ang sunog sa kahabaan ng 70 C, Area 5, Purok 2, Victory Avenue, Brgy. Tatalon sa lungsod Quezon.

Ayon sa imbestigas­yon, ang sunog ay nagmula sa ikalawang palapag sa 3 storey na bahay na pag-aari ni Matina Erinco sa nasabing lugar.

 Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa kabuuang 40 kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.

Ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma at bandang alas-12:01 ng tanghali ay idineklarang under control.

Walang inulat na nasawi o nasaktan sa sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with