^

Metro

P1.3 milyong shabu nasamsam, 3 ‘tulak’ timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)  matapos makumpiska ang P1.3 milyong ha­laga ng shabu kasunod sa pagkakaaresto sa tatlong big time drug pushers sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi  sa Brgy. Socorro sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Kirby Angelo Ruiz, alyas Pogong, 30; Albert John Pakinga, alyas Johnjok, 19 at Darwin Marie Nonarte, 23.

Dakong alas-10:20 ng gabi, nang isagawa ang buy-bust operation sa Main Avenue sa panu­lukan ng EDSA, Brgy. Socorro sa lungsod .

Isang police poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng P 200,000 halaga ng shabu mula kay Pogong na duma­ting sa napagkasunduang lugar na may kasamang drug peddler.

Inaresto ang suspect matapos na humudyat ang undercover agent  habang iniaabot ang nasabing halaga ng shabu.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with