^

Metro

Tauhan ng MMDA binugbog ng tsuper, konduktor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang pagtulungang gulpihin ng tsuper at konduktor ng isang pampasaherong bus na kaniyang sinita dahil sa matagal na pagparada sa EDSA sa bahagi ng Ortigas, kahapon ng umaga.

Isinugod sa Medical City Hospital sa Pasig City ang biktimang si Arvin Gabay, Laborer II ng Sidewalk Clearing Operations Group ng ahensya.  Dinala naman sa Libis Police Station ang mga suspek na sina Harold Dave Reyes, tsuper ng Diamond Star Bus (UVU 374) at konduktor na si Rolly Sambayon.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng umaga sa northbound lane ng EDSA sa tapat ng isang mall. Nagsasagawa ng clearing operation sa lugar ang mga tauhan ng SCOG nang sitahin ni Gabay ang Diamond Star Bus na biyaheng Malanday na matagal nang nakaparada kaya lumilikha ng pagsikip lalo ng trapiko.

Sa halip na umabante, nakipagsagutan pa kay Gabay ang tsuper at konduktor na kinalaunan ay bumaba ng bus saka pinagtulungang bugbugin ang biktima.  Natigil lamang ito nang rumesponde ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group na siyang dumakip sa dalawang suspek.

Dahil dito, may inis­yal na kasong obstruction ang mga suspek ngunit nang berepikahin ang lisensya ng tsuper na si Reyes ay nabatid na expired na ito kaya dagdag na ‘driving with invalid license’ ang kanyang kakaharapin bukod pa sa kasong kriminal na physical injuries.

Ang panibagong insidente ng karahasan sa tauhan ng MMDA ay makaraan ang panukala ng dati nitong chairman na si Marikina Rep. Bayani Fernando na armasan ang mga traffic enforcers ng bolo. 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with