^

Metro

Online stores tututukan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga naglipanang online transaction o pagsho-shopping sa internet ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay PNP Spoke­s­man Brig Gen. Bernard Banac, tuwing ga­nitong panahon ay tuma­taas ang natatanggap nilang reklamo hinggil sa hindi magandang serbisyo ng mga online store.

Sinabi ni Banac na karaniwang inirereklamo  ng mga namimili sa online na mali ang produktong idineliver sa mga ito na karamihan ay pekeng mga items.

Samantalang nagkakaroon din umano ng mga bigong transaksyon kahit na nakabayad na ang mga kostumer  sa kanilang mga inorder online.

Ayon kay Banac, kung oorder sa online ay tiya­king lehitimo ang mga online stores na subok na ang husay ng serbisyo, kilala at maraming magagandang komento sa mga ibinebentang produkto.

Inihayag ng opisyal na hindi rin dapat magpadala sa buyo ng ilang post sa social media at kung maari ay cash on delivery ang piliin sa transaksyon upang kapag may aberya ay maibalik agad ang produkto.

Pinaiiwasan din ni Banac ang pagbibigay ng buo at mga personal na detalye upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Idinagdag pa ni Banac na sakaling mabiktima ay bukas ang PNP Anti-Cybercrime Group para tumulong sa sinuman.

 

vuukle comment

ONLINE STORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with