^

Metro

Kahero tepok sa salpok ng motorsiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kahero tepok sa salpok ng motorsiklo
Binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Jose Maria Sespeñe, 58, account recei-vable clerk, at nakatira sa Sgt. F. Santos St., sa nasabing ba­rangay.
STAR/File

MANILA,Philippines — Patay ang isang kahero matapos mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Hulo, Mandaluyong City, ka­makalawa ng gabi.

Binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Jose Maria Sespeñe, 58, account recei-vable clerk, at nakatira sa Sgt. F. Santos St., sa nasabing ba­rangay.

Arestado naman at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek na si Jomarie Jerson Zarate, 28, isang call center agent at residente ng Cadena de Amor St., Minahan, Malanday, Marikina City.

Batay sa ulat ng Mandalu-yong City Police, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang aksidente sa eastbound ng Coronado St., sa ilalim ng Makati-Mandaluyong Bridge.

Sakay ang suspek ng kanyang motorsiklo na may plakang 8524 UZ at bina­bag­tas ang inner lane ng Coronado St., mula Makati-Mandaluyong Bridge, nang mabundol nito ang biktimang noon ay tumatawid naman sa naturang lugar.

Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada.

Kaagad namang naisugod ng mga otoridad sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

MOTORSIKLO

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with