^

Metro

Obrero hulog mula sa 16th floor, lasog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lasug-lasog ang katawan ng isang steel man nang mahulog sa ika-16 na palapag na gusali sa Barangay San Lorenzo, Makati City kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si Allan Casul 28, at residente ng Peñafrancia,  Antipolo City makaraang magtamo ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa isinumiteng report ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa 16th floor sheerwall BPO Building Processing Office 1 na matatagpuan sa Edsa corner Ayala Ave­nue Barangay Loren­zo, Makati City.

Tumuntong ang biktima sa isang plastic board subalit bumigay hanggang sa dumausdos pababa at bumagsak sa ground floor ng nasabing gusali.

Sinasabing marupok na ang pinagtungtu­ngan na plastic board ng biktima kaya posibleng bumigay ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa naganap na insidente.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with