^

Metro

5-month old beybi, dinukot ng yaya

Pilipino Star Ngayon
5-month old beybi, dinukot ng yaya
Ang suspect na yaya na nakunan ng CCTV sa lugar bitbit ang kanyang dinukot na alaga.

MANILA, Philippines – Arestado ang isang yaya na tumangay ng alaga niyang limang buwang sanggol habang nasa kahimbingan ng tulog ang mga magulang nito, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Naibalik na rin ang sanggol sa kaniyang mga magulang na sina Princess Jean Perrin at Jerrick Victoriano.

Sa kabila naman ng pagmamakaawa, hindi pinatawad ng mga magulang ang yaya na si Kristine Joy Morrera Salik na inaresto ng mga tauhan ng Taguig Police matapos ang prog­rama sa telebisyon ni Tulfo.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Taylor Hayley Victoriano , tinangay ng suspek ang kaniyang anak bandang alas-11 nitong Miyerkules ng tanghali.  Natutulog siya at kaniyang mister dahil sa kapwa panggabi ang kanilang trabaho sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bambang, Taguig nang salisihan sila ng suspek.

Nang dumulog sila sa kanilang barangay hall, dito nakita sa “closed circuit television (CCTV) camera” ang suspek na si Salik na karga ang bata sa isang eskinita palayo sa kanilang lugar. Walang dalang anumang personal na gamit ang suspek at wala ring dalang gamit ng sanggol nang umalis siya.

Sinabi ni Perrin na may pitong araw pa lamang na nani­nilbihan si Salik bilang yaya. Nag-aplay ang suspek sa kaniya makaraang mag-post siya sa ilang social media groups na nangangailangan siya ng yaya para sa anak niyang sanggol.  

Nagtungo kahapon sa programa ni Tulfo ang suspect dala ang sanggol.

Dahilan ni Salik, nagpunta lamang umano siya sa isang mall para magpadala ng pera sa isang remittance shop. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga amo na natutulog kaya isinama na niya ang alagang sanggol. Hindi umano siya agad nakauwi nang makita na sa social media ang post ng among si Perrin na inaakusahan siya ng pagkidnap sa alaga kaya natakot siya.

Sa kabila nito, nahaharap ngayon si Salik sa kasong kidnapping sa Taguig City Prosecutor’s Office.  

 

 

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with