^

Metro

P5 milyong hingi sa isang bidder ng body cameras para sa PNP 3 police major sinibak sa ‘kotong’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P5 milyong hingi sa isang bidder ng body cameras para sa PNP 3 police major sinibak sa �kotong�
Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, ipinag-utos na rin niya ang pagsibak sa puwesto kina Maj. Emer­son Sales at Maj. Rholly Caraggayan na nasa absent without official leave (AWOL) status at Maj. Angel Beros na aktibo sa serbisyo mula sa technical working group ng Bids and Awards Committee (BAC) habang sumasailalim sila sa administrative proceedings.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Tatlong opisyal ng Phi­lippine National Police (PNP) ang nahaharap sa summary dismissal sa serbisyo kaugnay sa umano’y pangongotong ng P5 mil­yon sa bidder ng body ca­meras na gagamitin sa drug war.

Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, ipinag-utos na rin niya ang pagsibak sa puwesto kina Maj. Emer­son Sales at Maj. Rholly Caraggayan na nasa absent without official leave (AWOL) status at Maj. Angel Beros na aktibo sa serbisyo mula sa technical working group ng Bids  and Awards Committee (BAC) habang sumasailalim sila sa administrative  proceedings.

Sinabi pa ni Gamboa na nadiskubre niya bilang chairman ng BAC na tatlo sa kanyang tauhan sa tech­nical working group ay humihingi ng pera mula sa proponent kaya nangako siya sa kanyang mga mi-yembro na ipapasibak niya ang tatlong police major kasabay ng pagsasaila­lim sa administrative proceedings.

Ang ilegal  na aktibidad ng tatlong opisyal ay ibinunyag ng isang natalong bidder para sa pagbili ng body cameras gagamitin sa drug operation ng ahensya.

Noong 2018 ay naglaan ng P334 milyon para sa pagbili ng body cameras, subalit ngayon ay wala pang bidder na napipili ang PNP para sa pagbili ng body camera.

Nilinaw naman ni Gamboa na mayroong anim na suppliers ang sumasailalim sa post-qualification process para mameet lahat ng requirements.  

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

KOTONG

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with