Bantag sa BuCor men tutol sa pagbabago ‘Gusto ninyo akong patayin? Banat’
MANILA, Philippines — Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag kasabay nang babala na marami pang personnel ang masisibak dahil sa pagtanggi sa mga pagbabagong isinasagawa sa ahensya.
Idinagdag pa nito sa kanyang pagsasalita matapos ang flag raising rites kahapon na nababagalan siya sa reporma na kailangang maipatupad sa ahensya.
“Gigil na gigil na ako… nakakailang araw pa lang ako rito, feeling ko parang nakadalawang taon na ako. Nababagalan ako sa pagsasaayos nitong BuCor”, dagdag pa nito.
Umapela rin siya sa mga opisyal at personnel na tumulong para sa pagbabago na kailangan sa BuCor, lalo na ang professionalization ng corrections officers.
“Kayong mga COI (corrections officer 1) na bago, plano nating i-professionalize ang BuCor para sa bagong henerasyon na hindi corrupt.
- Latest