^

Metro

368 pulis idineploy sa Bilibid

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
368 pulis idineploy sa Bilibid
Upang hindi na maulit ang insidente ng pagpupus-lit ng dalawang pulis ng alak at tabako habang nasa 14 pa ang inimbestigahan dahil sa pagbibitbit ng cellular phones, mahigpit ang tagubilin ni Sinas sa mga panuntunan sa pagbabantay sa bilangguan.
Ernie Peñaredondo/File

MANILA, Philippines — Pinamunuan kahapon ni NCRPO acting Director PBrigGen Debold Sinas ang ‘send-off ceremony’ sa 368 tauhan ng Regional Mobile Force Battalion para magbantay partikular sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Matatandaan na nasa 400 tauhan ng RMFB ang pinull-out ni Sinas buhat sa pagbabantay sa mga istas­yon ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit dahil sa hindi umano trabaho ng mga naturang pulis ang pagbabantay sa mga train stations.

Upang hindi na maulit ang insidente ng pagpupus-lit ng dalawang pulis ng alak at tabako habang nasa 14 pa ang inimbestigahan dahil sa pagbibitbit ng cellular phones, mahigpit ang tagubilin ni Sinas sa mga panuntunan sa pagbabantay sa bilangguan.

Kabilang dito ang hindi pagdadala ng anumang cellphone o iba pang gadgets habang nakatalaga sa NBP, pagsusuot ng tamang uniporme, accounting ng mga tauhan bago ang deployment, at operational shifting sa pagitan ng alas-6:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi.

Mapapasailalim ang mga tauhan ng RMFB sa superbisyon ng Bureau of Corrections sa loob ng NBP at inaasahan ang pag­sunod ng mga pulis sa polisiya nito.  Inatasan din ang mga pulis na huwag bumuo ng komunikasyon sa mga bilanggo kung hindi kinakailangan.

“Sana gumanda ang ating trabaho upang gumanda ang tingin nila sa atin,” bilin ni Sinas sa mga pulis.

vuukle comment

BILIBID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with