^

Metro

Adik na anak, ipinaaresto ng ina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang adik na anak na ayaw tumigil sa paggamit ng droga ang ipinaaresto sa mga awtoridad ng kanyang sariling ina sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie  Montejo ang ipinadakip na suspek na si Anthony Alvarez, alyas Tonyo, ng  Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Si Alvarez ay dinakip dakong alas-11:30  ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Rossel Cejas dahil sa sumbong at text message ng ina nito.

Ayon sa ina ni Alvarez’s, ayaw tumigil sa paggamit ng droga ng kanyang anak kahit isinailalim na ito sa drug rehabilitation.

Nang arestuhin ng pulisya si Alvarez ay nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu, aluminum foil strip, disposable lighter, cellular phone. 

“According to the mother, her son has been in and out from a drug rehabilitation center and recently he was again hooked into drugs hence he sought help from the police” sabi ni Dir. Montejo

 “Nawa ay maging ehemplo sa iba ang ginawa ng nanay na nagsumbong sa iligal na gawain ng anak kung saan hindi ito kinunsinti bagkus siya mismo ang nagbigay ng impormasyon sa pulis dahilan para siya ay maaresto at mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay,” pahayag pa ni Montejo.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with