^

Metro

Rollback muli sa petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa lokal na merkado dahil sa inaasahang pagpapatupad ng rollback sa ikatlong susunod na linggo ng mga kompanya ng langis sa bansa simula ngayong paparating na linggo.

Sa anunsyo ng Petron Corporation nitong Sabado, tinatayang bababa ang pres­yo ng gasolina ng maliit na P.10 sentimos kada litro, P.25 sentimos kada litro naman sa diesel at P.10 sentimos sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa Petron, ito ay bunga pa rin ng paggalaw sa presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.  Karaniwang nagbababa ng presyo ng produkto ang Petron tuwing Martes ng umaga.

Sa pagtataya naman ng Unioil Corporation, nasa P.10-P.15 sentimos ang maaaring ibaba ng gasolina, P.25-P.30 sentimos sa diesel.

Sa kabila ng mga maliliit na rollback, mas mataas pa rin ang presyo ng petrol­yo ngayong 2019 kumpara noong 2018. Mula Enero, nasa P5.61 na ang itinaas ng kada litro ng gasolina, P.4.02 sa diesel at P.96 sa kerosene. 

vuukle comment

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with