^

Metro

Simbahan binato habang may misa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng pulisya ang isang obrero makaraang batuhin niya ang loob ng isang simbahan habang nasa gitna ng misa rito kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code (Offending the Religious Beliefs) at Unjust Vexation ang suspek na si Jeomar Dacara, 26, binata, at nakatira sa No. 242 Sitio 6 Brgy. Catmon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-5 kamakalawa ng hapon kung saan nasa gitna ng misa ang mga mananalampalataya sa loob ng Dambana ng Banal na Krus Church sa may Sitio 6 Brgy. Catmon.

Pinamamahalaan ni Rev. Deacon Jhonny Roxas ang misa nang bumagsak sa loob ng simbahan ang ilang tipak ng bato na masuwerteng walang tinamaan ngunit nagresulta sa kaguluhan.  Natukoy ng ilang saksi ang suspek na siyang nambato sa simbahan.

Agad na humingi ng tulong sa Police Community Precinct 9 ang mga nagsisimba na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.  Tikom naman ang bibig ng suspek nang tanungin ang dahilan niya sa pamamato.

vuukle comment

MISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with