^

Metro

Higit 600K dumagsa sa Manila North Cemetery

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Higit 600K dumagsa sa Manila North Cemetery
Ang daang libong katao na dumagsa sa Manila North Cemetery kahapon. Inaasahan na marami pa rin ang magtutungo rito ngayong araw.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tulad ng inaasahan, dagsa ang mga nagtungo sa  Manila North Cemetery kung saan tinatayang nasa 640, 000 katao ang pumasok upang dalawin ang kanilang mga namayapang mahal  sa buhay.

Ayon kay  MNC Director Roselle ‘Yayay’ Castañeda, umaabot sa 640,000 ang pumasok sa sementeryo hanggang kahapon ng hapon.

Ipinagmalaki ni Castañeda na hindi nakaranas ng pagsisikip ang mga tao na pumapasok at lumalabas  sa sementeryo dahil na rin sa tulung-tulong na ayuda ng mga awtoridad.

Tuluy-tuloy pa rin ang ins­peksyon ng mga tauhan ng Manila Police District  at  City Security Force kung saan libu-libong mga flammable at matatàlas na bagay ang nakumpiska sa kabila ng mga paalala  ng North Cemetery.

Wala namang naiulat na  anumang karahasan  sa loob ng North Cemetery bunsod na rin ng police visibility.

Ayon naman kay MPD Director Brig. Gen. Ber­nabe Balba, 24 oras ang pag-iikot ng kanyang mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalaw hanggang  ngayon.

Inaasahan ding marami pa ang magtutungo ngayon kaya  nakaantabay pa rin ang MPD, Manila Disaster Risk Reduction Management Office  Manila Health at Manila Traffic and Parking Bureau. 

Sa panayam kay Jovy Dantes ng Pilipino Star Ngayon, may 10 taon nang nakalibing ang kanyang mga magulang  kaya’t 10 taon din silang nagtitiyaga sa siksikan at tulakan. Subalit kahapon sa kanilang pagdalaw,  maa­yos, maluwag at malinis ang sementeryo na matagal ding napabayaan.

Samantala, pinagkukumpiska naman ng mga pulis ang susi ng mga pasaway na  tricycle driver na kumukuha ng mga pasahero.

Nabatid na naglagay ng harang ang mga pulis upang hindi na makasikip at makasagabal ang mga tricycle sa papalabas na mga dalaw. Subalit patuloy ang pag-uunahan ng mga tricycle driver sa mga pasahero na nagiging sanhi ng pagtatrapik.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with