11 Chinese, Pinoy arestado sa kidnap
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang may 11 suspected Chinese loan shark syndicate members at ang Pinoy driver nito matapos ang tangkang pagkidnap sa isang lalaki sa Ninoy Aquino International Airport, kahapon.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na nakita ng mga rumorondang pulis sa NAIA Terminal 3 na puwersahang hinahatak pasakay sa nakaparadang van ang Chinese national na si Zenglin Zhou.
Ayon kay Monreal, sa affidavit ni Zhou, binugbog siya ng mga suspects at pinagpapaso ng sigarilyo ang kanyang braso dahil may utang siyang P30,000 para sa kanyang visa pero itinanggi ito ng grupo.
Ang mga suspects ay inilipat sa PNP Anti-Kidnapping Group.
- Latest