^

Metro

Seguridad sa Manila North Cemetery dinoble

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa Manila North Cemetery dinoble
Sa panayam kay MNC Director Roselle ‘Yayay’ Castañeda, may mga nakatalagang pulis at mi-yembro ng City Security Force na iikot sa palibot ng sementeryo, gayundin sa mga bakod na una nang nakasanayan na akyatin ng ilang indibiduwal.
Ernie Peñaredondo

100% deployment ng mga pulis, simula na!

MANILA,Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Manila North Cemetery na doble ang seguridad na kanilang gagawin simu­la ngayon hanggang sa Nobyembre 2 bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga magtutungo rito nga-yong Undas.

Sa panayam kay MNC Director Roselle ‘Yayay’ Castañeda,  may mga nakatalagang pulis at mi-yembro ng City Security Force na iikot sa palibot ng sementeryo, gayundin sa mga bakod na una nang nakasanayan na akyatin ng ilang indibiduwal.

Noong mga nakalipas na taon, naging kalakaran na ang pag-akyat sa pader kung saan dadaan sa mga bahay na nakatayo sa mga puntod.

Ito ang dahilan kung kaya’t pinagiba ni Castañeda at Manila Police District Station 3 Chief Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ang mga barung-barong sa  loob ng sementeryo.

Sinabi pa ni Castañeda na mananatili ang kanilang patakaran na zero vendor at no parking sa loob ng sementeryo.

May mga 30 E-jeepney naman ang maaaring maghatid sa mga PWDs,  matatanda at buntis sa kanilang dadalawin.

Ang mga portalet naman ay ilalagay sa labas ng sementeryo upang maiwasan ang pagpapanghi sa lugar.

Samantala sinabi naman ni Magdaluyo na si­mula ngayon ay 100 porsiyento na ang kanilang deployment. 24 oras din ang paglilibot ng mga pulis  simula ngayon hanggang Nobyembre 2   dahil inaasahan ding may mga dadalaw sa gabi.

Pinayuhan naman ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga motorista na iwasan ang mga kalye malapit sa Dang­wa at Manila North Ceme­tery dahil sa pagbuhos ng mamimili ng bulaklak ngayong araw hanggang Nobyembre 2.

Sa paalala ni MTPB  Chief Dennis Viaje, hiningi rin nito ang pang-unawa ng mga motorista dahil sa ina­a­sahan nang pagbuhos ng mamimili sa Dangwa na magdudulot din ng sobrang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with