^

Metro

Kompanya nagpasaklolo sa NBI vs cyber libel

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kompanya nagpasaklolo sa NBI vs cyber libel
Kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Julius Danas, nagtungo sa NBI Cybercrime Division ang pamunuan ng Noveau Philippines Corporation at subsidiary na Noveau Japan Company Limited na kilalang distributor ng mga beauty enhancement products.
File

MANILA,Philippines — Nagsampa ng kasong  cyber libel ang  mga opisyal ng isang malaking kompanya ng beauty supplements sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)  dahil sa pagpapakalat nila ng maling impormasyon sa social media.

Kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Julius Danas,  nagtungo sa NBI Cybercrime Division ang pamunuan ng Noveau Philippines Corporation (NPC) at subsidiary na Noveau Japan Company Limited (NJCL) na kilalang distributor ng mga beauty enhancement products.

Batay sa reklamong inihain kay Special Investigator Rojun Hosillos ng NBI Cybercrime Division, may mga nag-post umano sa social media partikular sa  Facebook na ang kanilang  kompanya na NPC ay sangkot sa mga kasong estafa habang ang NJCL naman ay “under surveillance” ng Security and Exchange Surveillance Service sa bansang Japan dahil sa mga anomalya.

Ang mga kumakalat na paratang sa social media ay pinasinungalingan ng  nasabing kompanya kung saan pawang mga “fake news” at “disinformation” umano ang mga ito. Nilinaw ng NPC at NJCL na kailanman ay hindi umano sila nasangkot sa kahit anong kaso ng estafa.

Itinanggi rin ng NJCL na hindi sila under investigation o surveillance sa Japan at wala din umano silang kinakaharap na anomaly a o “unsound business practices” sa nasabing bansa at maayos silang nagnenegosyo sa Pilipinas at paninira lamang ang paratang sa kanila na sila ay “scammer”.

Lumilitaw naman sa impormasyong nakalap ng NBI na  responsable sa paninira ay may mga alias na  Beverly Santos, Karen Gabriel, Avelina Obregon, Stella Marie Ancla, alyas “Gerry Yap”, at alyas “Chloe”.

Tiniyak naman ng NBI na hindi sila titigil sa pagtunton sa mga suspek upang matukoy ang tunay na pangalan upang masampahan ng karampatang mga kaso sa paglabag ng Republic Act 10175 o “Cybercrime Prevention Act” at iba pang mga kasong kriminal.

vuukle comment

CYBER LIBEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with