^

Metro

300 workers ng Star City, binigyang trabaho ng Pasay City Hall

Pilipino Star Ngayon
300 workers ng Star City, binigyang trabaho ng Pasay City Hall
Nabatid na ini-assign ang mga manggagawa sa iba’t ibang departamento sa city hall at ang iba ay sa barangay para makapagtrabaho sa loob ng 30-araw.
File

MANILA,Philippines — Pansamantalang pinagkalooban ng trabaho ni  Pasay City Emi Calixto-Rubiano ang 300 displaced workers ng Star City.

Nabatid na ini-assign ang mga manggagawa sa iba’t ibang departamento sa city hall at ang iba ay sa barangay para makapagtrabaho sa loob ng 30-araw.

Ayon kay Filipinas Sampang, head ng Public Employment Service Office (PESO) na humiling ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa city hall na magkaloob ng emergency employment sa mga manggagawa ng Star City na nawalan ng trabaho matapos na masunog ang amusement park.

Magugunitang natupok sa malaking sunog ang Star City at ayon sa management ay aabutin ng isang taon bago ito tuluyang ma-rehabilitate.

Dahil nga sa trahedya, tinatayang nasa 500 manggagawa ang nawalan ng trabaho kaya nga kumilos ang DOLE at nag­hanap ng kanilang pansamantalang mapapasukan.

Sa pamamagitan umano ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers,” nagkaloob ang DOLE ng P5.5 milyon para sa emergency employment program.

Agad na nakipagkoordinasyon ang DOLE sa Pasay City para mapagkalooban ng trabaho ang mga na-displaced na manggagawa.

 “Lubos po kaming nagpapasalamat sa DOLE at PESO ng Pasay dahil kami ay binigyan ng pansamantalang trabaho,” ayon kay Alma dela Cruz, ride attendant. Inilagay siya sa city’s public information office para mag-monitor ng mga balita.

“Marami pong salamat sa tulong at bukas palad na pagtanggap sa amin,” dagdag pa nito.

Isa pang ride attendant na si Carmen Francisco, ang nagpasalamat din sa DOLE at PESO sa temporary job. “Malaking tulong po ito para sa aming pamilya ngayong darating na Pasko. Sana po ay huwag po kayong magsawang tumulong sa amin at sa ibang empleyado.”

vuukle comment

STAR CITY

WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with