^

Metro

Bebot binastos na, itinumba pa!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bulagta sa madilim na bahagi ng Railroad Drive sa Roberto Oca St. sa Port Area Manila ang 26-anyos na babae na binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi.
Kuha ni Russel Palma

MANILA, Philippines — Patay ang isang 26-anyos na babae nang barilin sa ulo habang nakatalikod na naglalakad kasama ang nobyong sekyu, matapos itong magsumbong na binastos siya ng ilang kalalakihan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Roselle Mae Opada, residente ng Hagdan Bato, Vargas Compound, Port Area , Maynila dahil sa balang tinamo sa ulo.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 5, dakong alas -10:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Railroad St., Port Area sa  likod  ng Philippine Red Cross-National Capital Region (NCR) Office.

Sa naging salaysay ng nobyo ng biktima na si Saed Baguilan, 24, security guard, papunta sana sila sa isang convenience store ng biktima para bumili ng makakain nang biglang nakarinig siya ng putok ng baril at nagulat nang bumagsak ang kasama.

Hindi umano niya akalain na ang nobya ang binaril at dahil madilim  sa lugar kaya hindi niya namukhaan ang gunman na nakasuot ng dilaw na t-shirt at sumbrero.

Una rito, kauuwi pa lamang umano ni Baguilan mula sa trabaho nang magsumbong ang biktima hinggil sa pambabastos ng mga nag-iinuman .

Hinala ni Baguilan na may kinalaman ang pamamaril sa ginawa niyang pagkompronta sa grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa kanilang lugar na bumastos sa kanyang nobya.

Wala umanong sumagot o kumausap sa kanya kaya umalis na lamang siya.

Naisipan namang lumabas upang bumili ng pagkain ang dalawa nang lingid sa kanila ay may panganib na nag-aabang.

Nabatid na ang biktima ay may tatlong araw pa lang na dumalaw sa tinutuluyan ni Baguilan na nagmula pa sa lalawigan ng Pampanga.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-Homicide Section para sa paglutas ng kaso. 

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with