^

Metro

PACC, nagsagawa ng surprise inspection sa BOC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naka-full battle gear at sakay ng dalawang truck at isang bus ang PNP-Special Action Force na kasama ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) sa ginawa nitong biglaang inspeksyon sa Bureau of Customs.

Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, layon ng kanilang tanggapan na i-subpoena ang mga dokumento para sa  imbestigasyon patungkol sa smuggling. 

Ang  mga dokumentong  ito umano ang susuporta sa kanilang intel reports na nagkakaroon ng pamemeke ng dokumento sa Port of Manila at Manila International Container Port para makapagpuslit ng mga kargamento sa bansa.

Bilyong piso aniya ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa talamak na smuggling sa mga nabanggit na mga puerto.

Nagpaliwanag din ang opisyal kung bakit nagsama ang kanilang grupo ng dose-dosenang SAF troopers.

Ininspeksyon din ni Belgica kasama si PACC Exec. Director Eduardo Bringas ang mga x-ray machines at ilang opisina sa BOC.

 

vuukle comment

PACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with