^

Metro

PCP commander, 2 tauhan sibak sa kotong

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PCP commander, 2 tauhan sibak sa kotong
Sa press briefing kahapon, tinukoy ni Sinas ang sinibak na opisyal na si Capt. Mark Oyad, hepe ng PCP 7 ng Pasay City Police na dinisarmahan at inilagay sa ‘floating status’.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA,Philippines — Ipinasibak sa puwesto ng bagong talagang Natio­nal Capital Regional Police Office (NCRPO) Director P/Brig Gen. Debold Sinas ang hepe ng isang Police Community Precinct sa Pasay City habang naaresto naman ang dalawang tauhan nito dahil sa umanoý pango­ngotong sa mga tsuper ng mga pampasadang van at bus para makaparada sa mga kalsada sa lungsod.

Sa press briefing kahapon, tinukoy ni Sinas ang sinibak na opisyal na si Capt. Mark Oyad, hepe ng PCP 7 ng Pasay City Police na dinisarmahan at inilagay sa ‘floating status’.  

Nakilala naman ang mga nadakip niyang tauhan na sina Corporals Reynald Pallangeo at Jimuel Ilagan Bernal, kapwa nakatalaga sa PCP 7 at nasa kustodiya ngayon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).

Nag-ugat ang kaso nang isang hindi kinilalang complainant ang lumapit sa IMEG at inireklamo ang operasyon sa pangongotong ng naturang mga pulis.  Ayon sa kaniya, ipinatawag siya ni Oyad sa opisina nito noong Setyembre 28 at iginiit na itataas niya ang koleksyon sa kada biyahe ng pampasaherong van at bus mula P500 hanggang P1,000.

Nakiusap naman ang complainant na huwag ipatupad ito at sinabing bukod sa ibinibigay sa opisyal ay may mga pulis pang nanghihingi ng P100 sa bawat biyahe ng mga van at bus para payagan ang mga ito na iligal na makaparada sa lungsod.  Hindi umano pumayag si Oyad kaya nagdesisyon ang complainant na idulog na ito sa IMEG.

Agad namang nagkasa ng entrapment operation ang IMEG sa Grand Transport Terminal sa may EDSA-Ma­libay, Pasay nitong Oktubre 23 kung saan nadakip sina Pallangeo at Bernal nang tumanggap ng P100 marked money buhat sa mga ipinain na tsuper.  Narekober sa mga suspek ang ginamit na marked money at isang Glock at isang Beretta na service firearms nila.

Sinabi ni Sinas na ang operasyon ay parte pa rin ng ipinatutupad nilang “Intensified Cleanliness Campaign” para tanggalin ang lahat ng iskalawag at mga “pasaway” sa kanilang hanay upang higit na mapaglingkuran ang publiko.

Nagsasagawa ngayon ng mas malalim na imbestigasyon ang pulisya habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa naturang mga pulis.

vuukle comment

KOTONG

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with