^

Metro

200 pulis sa Bilibid, ni-recall ng National Capital Region Police Office

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
200 pulis sa Bilibid, ni-recall ng National Capital Region Police Office
Samantala, isinailalim naman sa floating status habang nahaharap sa administrative investigation ang 16 na pulis na umano’y nagpasok ng sigarilyo, alak at cellphones sa loob ng NBP.
File

Dahil sa pinupuslit na mga kontrabando

MANILA,Philippines — Ni-recall ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 200 pulis na nakatalaga sa New Bilibid Prison sa Muntin-lu­pa City matapos aku­­sahan ang 16 sa kanila na nagpupuslit ng kontrabando sa loob ng piitan.

Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Debold Sinas, ibabalik    sa kanilang headquarters ang mga ni-recall na pulis.

Samantala, isinailalim naman sa floating status habang nahaharap sa administrative investigation ang 16 na pulis na umano’y nagpasok ng sigarilyo, alak at cellphones sa loob ng NBP.

Sinabi ni Sinas na pinag-aaralan din kung sasampahan ang mga sangkot na pulis ng kasong kriminal.

Binebenta umano  ng 16 na pulis ang alak sa mga bilanggo sa ha-lagang P10,000 hanggang P20,000 kada litro.

Sa kabila nito, bukas pa rin ang NCRPO sa pagpapahiram ng mga tauhan sa NBP kung nanaisin pa rin nila.  Maaari umanong gawin ito na pinakamahaba na ang 30 araw na deployment bago sila palitan para maiiwas sa tukso ng korapsyon.

Una nang inihayag ng NCRPO na humi-ling si Bureau of Corrections Director Gene­ral Gerald Bantag ng police reinforcements sa Bilibid habang ang mga jailguards ay sumasailalim sa training at evaluation, dahil sa isyu ng korapsyon.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with