^

Metro

Rider tumulong sa kapwa rider, patay nang mabundol ng van

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider na tumutulong na kumpunihin ang nasiraang motorsiklo ng isang Grab rider nang mabundol ng isang van sa may C5 Road sa Parañaque City, kama­kalawa ng gabi.

Nasawi sa Ospital ng Parañaque dahil sa tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Edwin Santos, 52, Springtown Villas, Brgy. Bucal, Tanza, Cavite.

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa southbound lane ng C5 Road Extension paakyat ng flyover sa may Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nabatid na hinintuan ni Santos ang isang nakaparadang XRM type na motorsiklo ng Grab rider na si Mark Jovanny Degorio nang masi­raan sa naturang highway at tinulungan sa pagkumpuni.  Dito naman dumating ang isang Isuzu Trooper (WSB 201) na minamaneho naman ni Jose Rodel Dean, 56, nakatira sa Vergon Ville, Las Piñas City, at nabundol si Santos sa kabila ng kanyang pag-iwas.

Nang ikabig ni Dean ang kanyang sasakyan, nabundol naman nito ang isang Hyundai Eon na minamaneho ni Aldreily Jann Jahulla, 26, residente ng San Marino City, Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara siyang patay dakong alas-9:20 ng gabi ng mga manggagamot ng naturang ospital.

 Inaresto ng mga pulis ang suspek na si Dean na nakatakdang sampahan ng kasong homicide through reckless imprudence.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with