^

Metro

3 enforcers bistado sa ‘kotong’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil lamang  sa halagang P500, nanganganib na mawalan ng trabaho ang tatlong environmental enforcers ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay makaraang mag-viral sa social media ang video ng umano’y pangongotong nila sa isang Korean national noong Setyembre.

Binigyan ng “show-cause order” ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang tatlong enforcers na sina Roel Dimaculangan, 46, Michael Dela Cruz, 48 at Noel Surigao, pawang nakatalaga sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) para magpaliwanag sa usapin.

Kailangang sagutin ng tatlong enforcers ang alegasyon laban sa kanila sa loob ng 72-oras bago magdesisyon ang alkalde sa ipapataw na parusa sa kanila. Nabatid na naganap ang insidente noon pang Setyembre 11 sa service road ng Roxas Boulevard sa tapat ng San Juan De Dios Hospital.  

Sa video na nai-post, kita ang paglapit ng tatlo sa isang Koreano na dumura sa kalsada na bayolasyon sa isang ordinansa.  Pero sa halip na mag-isyu ng tiket, nakita na may tinanggap na pera ang tatlo buhat sa dayuhan na pinaalis rin nila.

Nitong Biyernes ng hapon, nagtungo sina Dimaculangan at Dela Cruz sa opisina ni Mayor Calixto-Rubiano at ipinaliwanag sa media ang kanilang panig.

Inamin ng tatlo ang pagtanggap ng pera ngunit iginiit na hindi nila ito puwersahang hiningi.  Tinangka pa umano nilang ibalik ang pera sa dayuhan na kanilang hindi tinuluyang hulihin dahil sa magalang naman umano at humingi ng dispensa.

 Sa kabila nito, ipinag-utos ng alkalde na suspindihin muna ang tatlo sa kanilang trabaho habang hindi pa nagbababa ng desisyon laban sa kanila.  Kung mapapatunayan sa pagkakasala, maaaring sampahan ng kasong administratibo ang tatlo at tuluyang kanselahin ang kanilang “job order contract” sa lokal na pamahalaan.

vuukle comment

KOTONG’

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with