^

Metro

Mister na ‘tulak’ ng droga, itinumba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister na sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos na siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Boy Dela Rosa, 40, ng Brgy. Poblacion, Antipolo City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Christian Loyola, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa may BMA St., corner Kitanlad St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sa pahayag ng nakasaksing tricycle driver, nag-aabang umano siya ng pasahero ng makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kaniyang tingnan kung saan nanggaling ang putok ay nakita  niyang duguang nakabulagta ang biktima.

Nakuha sa biktima ang isang plastic sachet ng shabu kaya ang hinala ng pulisya ay onsehan sa droga ang dahilan kung bakit itinumba ang biktima.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang tunay na motibo ng krimen.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with