^

Metro

49,000 bata sa Makati babakunahan ng anti-polio

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
49,000 bata sa Makati babakunahan ng anti-polio
Sa datos ng Makati Health Department (MHD), nasa 13,000 mga bata na ang inisyal nilang nabakunahan mula pa nitong Oktubre 14 kasabay ng “Sabayang Patak Kontra Polio” mass vaccination program ng Department of Health.
File

MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na mabig­yan ng ‘anti-polio vaccine’ ang nasa 49,000 mga bata sa lungsod bago sumapit ang Oktubre 27.

Sa datos ng Makati Health Department (MHD), nasa 13,000 mga bata na ang inisyal nilang nabakunahan mula pa nitong Oktubre 14 kasabay ng “Sabayang Patak Kontra Polio” mass vaccination program ng Department of Health.
Inatasan umano sila ni Mayor Abby Binay na mabigyan ang nasa 49,000 kabuuang mga bata ng bakuna kontra “polio virus”.

Nabatid na bukod sa pagbakuna sa mga health centers at mga pagamutan, nagbabahay-bahay din ang mga tauhan ng Health Department para matiyak na walang maiiwan na mga bata na hindi mapabakunahan.

Ibinibigay ang bakuna sa mga sanggol na kasisilang pa lang hanggang paslit na may edad 59 buwan na siyang nakikitang pinakalantad sa pagkakasakit ng polio. “I encourage Makatizens and the barangays to clean their surroundings. There is no cure for polio but it can be prevented by immunization and by maintaining a clean environment. Community involvement is very important,” paalala ni Binay sa mga residente.

Bukod sa unang dosage ng polio vaccine, may ikalawa at ikatlo pa itong dose na tiniyak ng mga manggagamot na ligtas at epektibo sa mga bata.

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with