^

Metro

‘Grab Tawid,’ sa mga pasahero ng LRT-2, inilunsad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Grab Tawid,� sa mga pasahero ng LRT-2, inilunsad
Ayon kay Grab Philippines President Brian Cua, layunin ng programa na magkaroon ng opsyon o alternatibong masasakyan ang mga pasahero ng LRT-2.
Boy Santos

MANILA,Philippines — Inilunsad ng pamunuan ng Grab Philippines ang programang ‘Grab Tawid’ upang tulungan ang mga pasaherong apektado ng limitadong operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cua, layunin ng programa na magkaroon ng opsyon o alternatibong masasakyan ang mga pasahero ng LRT-2.

Sinabi ni Cua, habang suspendido pa ang operasyon ng tatlong istasyon ng LRT-2, kabilang ang Anonas, Katipunan at Santolan, ay may mga Grab vehicles ng magsasakay sa mga train passengers.

Nabatid na sa ilalim ng Grab Tawid, mayroong 40 na 6-seater vehicles na magsasakay ng pasahero mula Masinag patungong Araneta Center sa Cubao sa halagang P20 lamang bawat pasahero.

Sinimulan ng mga naturang Grab vehicles ang pagbiyahe mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga kahapon.

Matatandaang una nang napilitan ang LRT-2 na limitahan ang biyahe ng kanilang mga tren mula Recto Station sa Maynila hanggang Cubao Station sa Quezon City lamang, matapos na masunog ang kanilang rectifier substation, na nasa pagitan ng Anonas at Katipunan Stations. 

 Samantala, iniulat naman ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na simula kagabi ay nagsasakay na ng mga pasahero at bumibiyahe na ang isang China-made Dalian train sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)

Ayon sa DOTr, ang deployment ng unang Dalian train ay naisagawa matapos na bigyan ng ‘go signal’ o permiso ng maintenance provider ng MRT-3, na Sumitomo Corporation Mitsubishi Heavy Industries – TES Philippines.

Nabatid na ang naturang tren na may tatlong bagon at kayang magsakay ng 1,050 pasahero kada biyahe, ay sinimulang pabiyahihin matapos ang peak hours kagabi, o mula alas- 8:30 ng gabi hanggang  alas-10:30 ng gabi.

“Starting today, 15 October 2019, one Dalian train set (equivalent to three train coaches) will hit the tracks of MRT-3 mainline during evening off-peak hours, from 8:30PM to 10:30PM,” anunsiyo ng DOTr.

vuukle comment

GRAB PHILIPPINES

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with