^

Metro

16 bahay, nasunog dahil sa ‘pot session’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod umano ng “pot session” o paggamit ng bawal na gamot ng limang lalaki kaya nasunog ang kanilang tahanan kung saan nadamay pa ang 15 bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP), nabatid na nasa 45 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang apoy dakong alas-9:00 ng gabi sa Brgy. Gulod, Novalichez, Quezon City.

Ayon sa isang residente sa lugar na humiling na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan dahil sa kanyang seguridad, may limang lalaki umanong gumagamit ng droga sa bahay na pinagmulan ng sunog.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon at balidasyon ang mga tauhan ng BFP hinggil sa pahayag ng residente na ‘pot session’ ang sanhi ng sunog.

Walang supply ng kuryente sa lugar na kinaganapan ng sunog kaya ang hinala naman ng iba na posibleng kandila ang pinagmulan ng apoy.

Nagtagal ng mahigit sa isang oras ang sunog at itinaas sa ikalimang alarma bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero. 

 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with