^

Metro

Droga isinilid sa panty

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog sa mga awtoridad ang isang ginang makaraang magtangkang magpasok ng droga sa loob ng selda ng  Quezon City Police District (QCPD) na kanyang isinilid sa kanyang panty, kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo ang ginang na si Leslie Hernandez, alyas Doza, 47, ng Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Ayon sa report dakong alas-10:50 ng umaga ay dadalawin sana ng suspek ang live-in partner nito na nakakulong  sa Quezon City Jail.

Kinapkapan ang ginang ng female duty jail offi­cer, pero napansin nito na matambok ang kanyang panty kaya isinailalim sa “strip search” at doon nakita ang isang medium size na plastic sachet na naglalaman ng droga kaya ito inaresto.

Base sa rekord, ang suspek ay dati na ring nakulong ng anim na taon dahil sa drug case at ngayon ay nahaharap sa panibagong  kahalintulad na kaso.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with