^

Metro

Sandra Cam idinadawit sa Masbate vice mayor ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sandra Cam idinadawit sa Masbate vice mayor ambush
Itinuturo ni Gng. Lalaine Yuson, maybahay ng inambus at nasawing Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III ang mga inarestong suspect na tahasang sinabi nito na si Sandra Cam ang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA,Philippines — Tahasang itinuro ng maybahay ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III si Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) director Sandra Cam  ang nasa likod  ng pamamaslang sa kanyang mister at pagkasugat ng dalawang iba pa sa naganap na ambush sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Nang magtungo kamakalawa ng gabi sa Manila Police District-Station 5 kung saan nakapiit ang apat na naarestong mga suspek ay nagwawalang ikinanta ni Ginang  Lalaine Yuson ang mga alegasyon laban kay Cam, kabilang pa ang mga nakaraang ginawa ni Cam sa kanilang pamilya matapos umanong matalo sa nakalipas na mayoral race ang anak na si Martin Cam.

 “Mga tao po  iyan ni Sandra Cam, yung isa..yung dalawa yan (mga suspek) nakatira yan sa resort sa Sandra’s Resort,” ani Gng Yuson.

 “Wag siyang magmamalinis, ang Manila lang ang ‘di nakakaalam.. ‘wag na kami ang tanungin niyo, pumunta kayo sa Batuan Masbate para malaman niyo kung anong klaseng pamilya meron siya,” dagdag pa niya.

 Sa kabila nito, nagpahayag naman si Cam na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng bise-alkalde,

 “I have nothing to do with the ambush,” ani Cam.

 “It is so unfair that our family is being dragged into this, we’ve move on from that election,”dagdag pa ni Cam.

Kasabay nito, sinabi niya rin na nakikiramay siya sa pamilya Yuson.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-Homicide Section sa insidente.

Nakaratay pa rin sa UST Hospital ang mga sugatang sina Alberto ‘Paopao’ Yuson, 23, pamangkin ng nasawi at ang equipment agent na katransaksyon umano ni Yuson sa binibiling backhoe na si Alfredo Pineda, 44,  ng Caloocan City.

Samantala, iniharap  na kahapon ni Manila Police District (MPD) director P/Brig. General Vicente Danao Jr. ang apat na naarestong suspek sa pagpatay kay  Vice Mayor  Yuson.

Ani Danao ang mga suspek na sina Bradford Solis, 41; Juanito de Luna, 54; Rigor Dela Cruz, 38, pawang taga Camiling, Tarlac; at  Junel Gomez, 36, ng San Jose Biñan,  Laguna ay isasailalim sa inquest proceedings sa reklamong murder sa Manila Prosecutor’s Office.

Walo aniya, sa mga testigo ang positibong nagturo sa ang mga nadakip ang sangkot sa pamamaslang kay Yuson.” We are 101% sure na itong hawak natin ay ang mga suspects,” ani Danao.

vuukle comment

MASBATE VICE MAYOR CHARLIE YUSON III

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with