^

Metro

Higit 500 dayuhan, timbog sa investment scam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 500 dayuhan, timbog sa investment scam
Ang sinalakay na gusali sa may NAIA Road sa Parañaque kung saan mahigit sa 500 dayuhan na sangkot sa telecommunication scam ang nadakip.
Kuha ni Miguel De Guz-man

MANILA,Philippines — Mahigit sa 500 illegal ­foreign nationals na sangkot sa investment scam ang inaresto ng pinagsanib na pu­wersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang operasyon kahapon sa Parañaque City.

Ang sinalakay ay ang Golden Unicorn Technology Inc. sa Millenium Building sa nabanggit na lungsoid.

Ayon sa ulat ng NCRPO, 418 sa mga dinakip ay pawang mga Chinese, kasama ang may 44 na Myanmar nationals, 26 na Malaysians, 19 na Vietnamese, apat na Taiwanese at Indonesian.

Ayon kay NCRPO director Guillermo Eleazar na nakatanggap ng ulat ang Pilipinas sa pamamagitan ng China na nagsasabing ang Golden Unicorn company ay sangkot sa telecommunications fraud sa China.

Bago isagawa ang operas­yon ay isinailalim muna sa surveillance ang naturang lugar at lumabas na positibo ang natanggap na ulat.

Nabatid na ang mga dayu­han ay sangkot sa foreign version ng ‘budol-budol’ scam kung saan tinatarget nila ang kanilang bibiktimahin sa kanilang desktop computers.

“Kumukuha sila ng impormasyon sa pamamagitan ng phising na gagamitin nila sa isasagawa pang criminal acti­vities”, pahayag ni Eleazar.

Kasalukuyang nasa kustodya ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO ang mga dinakip na dayuhan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with