^

Metro

Maagang biyahe ng LRT-2, ibabalik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Inihayag ng pamunuan Light Rail Transit Authority (LRTA) na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapaaga pa ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, pinagsusumikapan nilang mai-adjust ng mula alas-5:00 ng madaling araw ang unang biyahe ng kanilang mga tren, mula sa kasalukuyang first trip nito na alas- 6:00 ng umaga, upang mas maraming pasaherong mapagsilbihan.

Target din aniya nilang sa mga susunod na araw ay mapalawak pa hanggang sa Anonas Station ang kanilang partial operation.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nasunog ang rectifier ng LRT-2 sa Katipunan, Quezon City, sanhi upang masuspinde ng limang araw ang biyahe ng mga tren nito dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

Nitong Martes lamang nakapagpatupad ng partial operasyon ang LRT-2, ng mula Recto Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City, ngunit mas tanghali ito o mula alas-6:00 ng umaga lamang at mas maaga rin ang last trip nito na alas- 8:30 at  alas-9:00 ng gabi lamang sa Recto at Cubao Stations.

Mas kakaunti rin ang mga bumibiyaheng tren dahil sa isyu sa suplay ng kuryente, at mas pinabagal pa ang takbo nito.

Hindi pa naman operational ang tatlo pang istasyon ng LRT-2, kabilang ang Anonas, Katipunan at Santolan sa Pasig City, na siyang pinaka-naapektuhan ng sunog, at posibleng abutin ng hanggang siyam na buwan ang pagkukumpuni rito.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cabrera na tuloy pa rin naman ang isinasagawang imbestigasyon ng LRTA sa insidente ng sunog.

vuukle comment

LRT-2

LRTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with