^

Metro

Integridad sa print media nananatili -- Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na nana­natili ang integridad ng print media sa kabila ng malawak  na makabagong teknolohiya at social media.

Sa kanyang pagdalo sa Print Media Congress 2019 ng United Print Media Group na ginanap sa Manila Hotel, sinabi  ni Moreno na iba pa rin ang print media dahil sa nilalaman nitong balita at impormasyon.

Ayon kay Moreno, sa print media sinasala ang bawat balita bago ito ilathala at mabasa ng publiko.

Aniya pinananatili ng print media ang kredibilidad at pagkakapantay-pantay sa larangan ng pamamahayag.

Sinabi naman ni Jay Sar­miento, Vice President ng UPMG, iba ang pagsasanay ng journalism kumpara sa online. Aniya beripikado at may source ang balita at impormasyon bago ito ipalabas.

Mas reliable pa rin ang print dahil pinananatili ang pagiging patas sa bawat pagkuha ng bawat panig.

Binigyan diin naman ni Barbie Atienza, pangulo ng UPMG na dapat pairalin ang integridad sa  print media at hindi dapat na makom­pro­miso sa kabila ng kompe­tisyon at pagbabago.

Nagpasalamat naman si Moreno sa print media sa paglalathala ng mga proyekto ng Maynila. Ani Moreno, malaki man o maliit ang artikulo, malaking tulong ito sa lungsod upang malaman ng Manilenyo na may ginagawa ang pamahalaan.

Umaasa si Moreno na mas dadami at lalawak ang nasabing organisasyon upang manatili ang print media tulad na rin ng nakasanayan ng mga Filipino.

 

 

vuukle comment

ISKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with