^

Metro

‘Tulak’ ng droga, todas sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang sinasa-bing ‘tulak’ ng droga matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang  buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na suspek na si Criscamar Simos, alyas ‘Balong’, na itinutu-ring na number 2 drug perso-nality sa  Brgy.  Santa Monica, Novaliches Quezon City.

Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ni P/Col. Rossel Cejas ang buy-bust operation laban sa suspek, pero nakatunog umano si Simos na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad pero walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta para tama­an ang suspek na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinabi ni Col. Cejas, madalas umanong magbagsak ng droga ang suspek sa mga tricycle driver sa lugar.

Narekober ng pulisya kay Simos ang 8 sachet ng droga at isang kalibre 38 baril.

 

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with