^

Metro

‘Arson’ sa nasunog na power rectifier isinantabi ng LRT-2

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinantabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang posibilidad na ‘arson’ ang sanhi ng sunog sa power rectifier sa LRT2.

Ito ang inihayag ng LRTA sa Kamara kasunod ng ipinatawag na emergency hearing ng House Committee on Transportation sa pangu-nguna ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.

Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, nililimita na lamang nila sa pagpalya ng equipment at kidlat ang sanhi ng sunog sa LRT2, kaya kinuwestyon ito ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon dahil hindi naman umuulan nang mangyari ang pagsabog sa transformer ng LRT2.

Aminado naman si Cabrera na ito ang pinakamala-king insidente sa LRT2 mula 1984 at hindi rin sila basta makapasok sa lugar ng insidente dahil ang Bureau of Fire Protection (BFP) ang may hurisdiksyon dito.

Pinamamadali naman ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla ang BFP na bilisan din ang imbestigasyon sa sunog sa LRT.

Subalit sa ngayon hanggang hindi pa umano  nalalaman ng LRTA ang kabuuang pinsala sa mga pyesa sa power rectifier ay hindi pa makaka-order ng mga bagong equipment para maging full operational na ang tren.

Hinikayat naman ni Sar­miento si DILG Usec Epimaco Densing na isama sa imbestigasyon ang LRTA.

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with