^

Metro

‘Paghihiganti, kidnap-for-ransom’ sa Hyrons kidnapping

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paghihiganti dahil sa pag­papatalsik sa limang guro at posible ring isang kaso ng kidnap-for-ransom ang motibo ng pagdukot sa isang negosyanteng Briton at misis nitong Pinay sa Tukuran, Zamboanga del Sur noong Biyernes ng gabi.

 Ito ang inihayag kahapon ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Chief Lt. Col. Cirilito Sobejana sa kaso ng pagdukot sa British national na si Allan Arthur Hyrons, 70, at Pinay nitong misis na si Wilma Paglinawan Hyrons noong Biyernes dakong alas-7 ng gabi sa pag-aari nilang Hyrons Beach Resort sa Brgy. Alindahaw, Tukuran.

Ayon kay Sobejana, nakatanggap sila ng report na bago nangyari ang pagdukot sa mag-asawa ay may limang guro silang pinatalsik sa pag-aari nilang esku­welahan kaya’t posibleng nag­higanti ang mga kamag-anak ng mga guro.

Ang mag-asawa ay ma­raming negosyong inio-ope­rate sa nasabing lalawigan kabilang ang nasabing beach resort kung saan sila dinukot.

Samantala, pinanga­ngam­bahan din ng he­neral na baka kidnapping for ransom group (KFR) na kinabibila­ngan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasa likod ng pagdukot sa mag-asawang biktima.

Sa kabila nito, wala pa umanong ransom demand na natatanggap ang pamilya ng mga biktima mula sa mga kidnappers.

Tiniyak naman ni AFP Chief of staff Lt. Gen. Noel Clement na ginagawa ng tropa ng militar ang lahat para mabawi ang dinukot na Briton at misis nito.

Kahapon, inilabas na rin ng pulisya ang “facial composite sketch” ng isa sa anim na kidnaper ng mag-asawang Hyrons.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Brig. Gen. Froilan Flores Quidilla, ang nasabing suspek ay nakunan ng Closed Circuit Television (CCTV) na nakakabit sa Hyrons Beach Resort na pag-aari ng mag-asawang sina Allan Arthur at Wilma Hyrons sa Brgy. Alindahaw, Tukuran.

Isinalarawan ang suspek na kayumanggi ang kutis, ka­tamtaman ang panganga­ta­wan, nasa pagitan ng 5’4-5’6 ang taas, tinatayang 30-35 taong gulang at tumitimbang ng 75-80 kilo.

“Any information that may help in the immediate resolution of the case may call Regional Director Qui­dil­la’s hotline numbers 0977-3102-365 for Globe and 0961-2977-064 for Smart,” ayon naman kay PRO-9 Spokesperson Major Helen Galvez.

Ipinag-utos na ni So­be­jana ang search and rescue operation upang iligtas nang buhay ang mag-asawang bihag. 

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with