^

Metro

Manila North Cemetery dinisenyuhan ng bulaklak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Manila North Cemetery dinisenyuhan ng bulaklak
May 300 local artist ang lumahok sa proyektong pagdidisenyo sa North Cemetery sa Maynila kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

300 artist lumahok

MANILA, Philippines — Bilang bahagi na rin ng paghahanda sa Undas, nagsama-sama ang may 300 paint artists para disen­yuhan ang kahabaan ng Manila North Cemetery sa A. Bonifacio Ave., Maynila.

Alas-7:00 ng umaga ka­hapon nang simulan ng mga pintor ang kani-kanilang di­senyong bulaklak sa may 500 metro na mural project.

Pinalutang ng mga paint artist ang mga bulaklak na sunflower, chrysantemum, rose, orchids at tulips.

Ayon kay Manila 3rd District Congressman Yul Servo Nieto,  ang mural na tinawag na ‘Flores Para Los Muertos’ o Flowers for Departed ay  para sa mga nakalibing sa sementeryo na hindi na nadadalaw at nadadalhan ng bulaklak ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ani Servo, ito man lang ay pagbibigay respeto sa mga  kaluluwa ng mga namayapa sa nalalapit na Todos Los Santos.

Nabatid kay Nieto na ma­tagal na niyang proyekto ito sa Maynila subalit ngayon lamang naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pinto Art Museum at Davies Paint.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with