^

Metro

Kelot tigok sa suntok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker makaraang suntukin ng isang binata at mabagok ang ulo nito sa semento kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

 Unang isinugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital saka inilipat sa East Avenue Medical Center kung saan nalagutan ng hininga ang biktimang si Arjay Espallardo, 26, may live-in partner at nakatira sa No. 199 Durian Extension, Brgy. 178 Camarin, ng naturang lungsod.

 Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Wollo Flores, 20-anyos, empleyado, at nakatira sa No. 1249 Lalorna Street, ng naturang barangay.

 Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Lalorna Street kung saan nakatambay ang biktimang si Espallardo kasama ang kaibigang si John William Lumactud, 18. Dumating ang suspek at walang sabi-sabing sinuntok sa mukha si Espallardo na bumagsak sa sementadong kalsada at nabagok ang ulo.  Sunod na sinuntok ng suspek si Lumactud na nagtamo ng blackeye.

 Isinugod ng mga kaanak ang biktima sa mga nabanggit na pagamutan ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas. 

Dahil dito, nagtungo sa kanilang barangay hall si Lumactud para magsampa ng reklamo laban kay Flores ngunit nadiskubre na may bitbit siyang patalim dahilan para arestuhin siya ng mga tanod at siya na ang nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon.

 Naaresto naman ng mga tanod si Flores bago siya tuluyang makatakas. Nahaharap siya ngayon sa kasong homicide at physical injuries sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with